Home HOME BANNER STORY Kumpiska-plaka kapalit ng batak-sasakyan kinokonsidera ng LTO

Kumpiska-plaka kapalit ng batak-sasakyan kinokonsidera ng LTO

MANILA — Plano ng Land Transportation Office (LTO) na ipatupad ang “technical impounding” o pagkumpiska ng mga plaka ang aktwal na pag-impound ng mga sasakyan, dahil inamin nitong halos puno na ang impounding area ng ahensya.

Inilabas ni LTO Chief Vigor Mendoza ang pahayag sa pagtatanong nitong Huwebes, Nobyembre 30 ng House Committee on Transportation sa pagiging angkop at legalidad ng pag-impound ng mga sasakyang de-motor.

Nangako siyang isasangguni ang posibleng pagbabago sa patakaran sa harap ni Transportation Secretary Jaime Bautista, na siyang may pinal na desisyon sa usapin.

“Pinapa-aral ko na po sa law enforcement service to cease and desist nationwide ‘yung actual impounding and we will proceed only with technical impounding. Ang diperensya po, kinukuha lang ang plaka,” ani Mendoza sa House panel.

“Mapupuno na po ang aming reserved impounding. Meron naman, we are not going above that. Pero nakikita ko, mauubos din, kasi wala naman kami talagang malaking impounding budget. We are making do with what we have,” aniya pa.

Kinuwestiyon ng ilang mambabatas ang umano’y kawalan ng due process sa hakbang ng ilang LTO law enforcers na i-impound ang mga sasakyang nahuli sa lugar dahil sa ilang paglabag, at idinagdag na dapat itong dumaan sa traffic adjudication service.

Ngunit ipinagtanggol ni Mendoza ang mga aksyon ng LTO enforcers, sinabing ito ay nasa kanilang awtoridad.

“May magkahiwalay na function ang law enforcement service and traffic adjudication service… Ibig sabihin, malinaw na malinaw, base sa pinag-uusapan nating executive order, hindi pwedeng direktang mag-impound ang enforcers ng LTO, dahil kung gagawin natin ‘yun, inaapakan at binabalewala ng LTO ang authority na ibinigay ng executive order sa traffic adjudication service,” ayon kay 1-RIDER Party List Rep. Bonifacio Bosita.

“Hindi natin winawalang-bahala ang authority given to the traffic adjudication service. They can issue it on their own, without the approval of the (LTO) assistant secretary… But it does not remove the authority of the (LTO) assistant secretary and his deputies from issuing an impounding order,” ani Mendoza.

“In the face of Republic Act 4136, there is nothing mentioned about impounding. That is why you have to take it in relation to the powers of the LTO to issue rules and regulations on the implementation of traffic laws and regulations,” dagdag pa ni Mendoza. RNT

 

Previous articleSMNI nasa gitna ng banta ng franchise revocation – Roque
Next articleInflation forecast nitong Nobyembre nasa 4 hanggang 4.8% – BSP