Home NATIONWIDE La Mesa Dam umapaw na

La Mesa Dam umapaw na

2
0

MANILA, Philippines – Muling umapaw matapos maabot ang spilling level ang La Mesa Dam sa Quezon City nitong hapon ng Sabado, Agosto 29.

Ito ay kasabay pa rin ng malalakas na ulan dala ng Habagat.

Dahil dito ay inabisuhan na ng Quezon City local government unit ang mga residente sa low-lying areas sa Tullahan River na lumikas na.

Hanggang nitong 1:50 ng hapon, ang lebel ng tubig sa La Mesa Dam ay nasa 80.15 metro na.

“Inaasahang maaapektuhan ng sobrang tubig mula sa dam ang mga mabababang lugar sa kahabaan ng Tullahan River,” ayon sa QC LGU. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here