Home HOME BANNER STORY Labi ng piloto at asawa sa bumulusok na Cessna plane sa Dinagat,...

Labi ng piloto at asawa sa bumulusok na Cessna plane sa Dinagat, narekober na

208
0

MANILA, Philippines — Narekober na nitong Biyernes ng umaga ang mga labi ni Pilot Jose Ortoll at ng kanyang asawa, dalawang araw matapos bumagsak ang kanilang Cessna plane sa Dinagat Islands, ayon sa mga awtoridad.

Nawawala noong Miyerkules ang Cessna 172 na may registry RPC2444 habang patungo sa Siargao Island. Ayon sa mga awtoridad, ang eroplano, na pinaniniwalaang nagmula sa Subic, ay bumagsak sa kabundukan may 15 minuto bago ang nakatakda sana nitong alas-1 ng hapon na paglapag sa Siargao Airport.

Sinabi ng mga imbestigador na walang naitalang distress call bago ang pagbagsak ng eroplano. Iniulat din na pag-aari ng asawa ni Ortoll ang aircraft, at papunta umano ang mag-asawa sa kanilang private resort sa Siargao.

Ayon pa sa mga awtoridad, maayos naman ang lagay ng panahon sa lugar at angkop ito para sa commercial flights nang mangyari ang insidente.

Nagsimula na rin ang Civil Aviation Authority of the Philippines Aircraft Accident Investigation Board ng imbestigasyon upang matukoy ang sanhi ng pagbagsak ng eroplano. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here