Home NATIONWIDE Sana oil! Japan siniguro sa mamamayan sapat na langis ‘gang 2027

Sana oil! Japan siniguro sa mamamayan sapat na langis ‘gang 2027

127
0

TOKYO – Tiniyak ni Prime Minister Sanae Takaichi na nakapag-secure na ang Japan ng sapat na suplay ng langis upang matugunan ang pangangailangan ng bansa hanggang unang bahagi ng 2027.

Sa pakikipag-usap sa mga mamamahayag sa prime minister’s office, sinabi ni Takaichi na bunga ito ng hakbang ng pamahalaan na dagdagan ang pag-aangkat ng langis mula sa United States at sa mga bansa sa Middle East na hindi na kailangang dumaan sa Strait of Hormuz.

Ayon sa punong ministro, kasalukuyang nasa ilalim ng de facto blockade ng Iran ang Strait of Hormuz, kaya pinalalakas ng Japan ang pagkuha ng suplay mula sa ibang rutang hindi daraan sa naturang lagusan.

Partikular na sinabi ni Takaichi na inaasahang tataas nang halos apat na beses sa Mayo ang oil imports ng Japan mula sa United States kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Binigyang-diin din niya na magpapatuloy ang pamahalaan sa pakikipag-ugnayan sa mga bansang nagpo-produce ng langis upang mapalawak pa ang imports na hindi dumaraan sa Strait of Hormuz.

Samantala, sinabi rin ni Takaichi na maaaring gamitin ng gobyerno ang reserve funds mula sa bagong ipinatupad na fiscal 2026 budget upang palawigin ang gasoline subsidies kung kinakailangan.

Kaugnay naman ng posibleng panawagan sa publiko na magtipid sa enerhiya at mga produktong petrolyo, sinabi ng punong ministro na “respond flexibly without ruling out any options.” RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here