MANILA, Philippines — Nagprotesta nitong Biyernes ang iba’t ibang grupo ng manggagawa sa labas ng tanggapan ng Department of Labor and Employment sa Intramuros, Manila laban sa temporary restraining order ng isang korte sa Pasig na pumigil sa pagpapatupad ng P85 dagdag sa minimum wage sa Metro Manila.
Kabilang sa mga nagrali ang Nagkaisa Labor Coalition, Partido Manggagawa at Kilusang Mayo Uno, na bumatikos din kay Acting Labor Secretary Francis Tolentino dahil sa umano’y “weak response” nito sa TRO, ayon sa ulat ni Manny Vargas sa dzBB Super Radyo.
Hinimok ng mga grupo si Tolentino na maghain ng pagtutol sa desisyon ng korte, na anila’y malinaw na paglabag sa batas.
Inaasahang makikipagdayalogo si Tolentino sa mga nagpoprotesta sa loob ng araw.
Noong Hulyo, pinagbigyan ng korte sa Pasig ang kahilingan ng Readycon Trading and Construction Corp. at R-II Builders Inc. para sa TRO laban sa pagpapatupad ng NCR Wage Order No. 27, “pending the resolution of the petition for declaratory relief.” RNT