Home NATIONWIDE UN: 49 milyon magugutom sa 2027 sa epekto ng El Niño

UN: 49 milyon magugutom sa 2027 sa epekto ng El Niño

1
0

Maaaring magtulak ang lumalakas na El Niño sa hindi bababa sa 49 milyon pang katao sa acute food insecurity o matinding kakulangan sa pagkain pagsapit ng katapusan ng 2027, babala ng United Nations World Food Programme nitong Miyerkules.

Ayon sa WFP, posibleng lumala ang kagutuman sa 45 bansang bulnerable na sa food crisis, dahilan upang tumaas mula 225 milyon hanggang 274 milyon ang bilang ng mga taong nahaharap sa acute food insecurity.

“El Niño is a massive threat to the food security of millions who are already vulnerable,” pahayag ni WFP Acting Executive Director Carl Skau.

Nagbabala si Skau na maaaring mabilis na itulak sa krisis ang mga komunidad dahil sa matitinding pagbaha, tagtuyot at mataas na temperatura. Pinalawak na ng ahensya ang maagang pagtugon nito sa walong bansa.

Inaasahang aabot sa pinakamalakas na antas ang El Niño mula Setyembre hanggang Disyembre 2026, ngunit maaari pang maramdaman ang epekto nito sa buong 2027 dahil sa pagkasira ng mga susunod na ani.

Pinakamalaking epekto ang inaasahan sa Central America at southern Africa, habang malaki rin ang banta sa eastern Africa at South at Southeast Asia.

Mahigit 16 milyong katao sa Latin America at Caribbean ang maaaring maapektuhan ng paglala ng food insecurity, habang higit 18 milyon naman sa East at Southern Africa.

Tinatayang 8.2 milyon pang katao ang haharap sa acute food insecurity sa Asia at Pacific. Sa West at Central Africa, maaari itong tumaas nang 12 porsiyento at makaapekto sa halos 6 milyon pang katao.

Mula Mayo, nagpatupad na ang WFP ng anticipatory action plans sa South Sudan, Chad, Mauritania, Uganda, Guatemala at El Salvador, na naglaan ng mahigit US$14 milyon na tulong sa humigit-kumulang 500,000 katao.

Ayon sa ahensya, bawat US$1 na inilalagak sa paghahanda ay maaaring makapagtipid ng US$3 hanggang US$7 sa mga posibleng pagkalugi at gastos sa emergency response.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here