Home OPINION LADY GOV SIRA DAHIL KAY ‘JUN TOTO’

LADY GOV SIRA DAHIL KAY ‘JUN TOTO’

NEWS flash —Noong Oktubre 28 ay tinanggal na si Col. Eleuterio Ricardo, Jr., bilang police provincial director ng Cavite samantalang naluklok na kapalit ay si Col. Dwight Alegre.

Siyempre, bagong PD kaya bagong vice tong collector sa  katauhan ni ‘Hero’, kapalit ni alyas ‘Richard’ na matagal ding nagsilbing payola collector noong panahon ni Col. Ricardo.

Si Hero na bigtime sakla at perya ng bayan operator sa Cavite ay inirekomendang maging provincial tong collector ni “Ka Menong M.”, na binansagang “Nardong Putik” ng Cavite sa kasalukuyang henerasyon.

                                                                                                                                        ***

Hindi pa nag-iinit sa bagong puwesto si Madam dahil ilang araw pa lamang ito naitatalaga sa posisyon ay nabahiran na ang singkinis sa kutis niyang pangalan.

Ang tinutukoy ng inyong Chokepoint ay si Cavite Vice Governor Athena Tolentino na kamakailan ay nahirang na top capitol official o ina ng lalawigan, kapalit ni dating Gov. Juanito Victor “Jonvic” Remulla.

Si Remulla ay hinugot ni Pangulong Bongbong Marcos  kapalit ni dating Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos na tatakbong senador.

Mula sa pamilya at angkan ng kilalang Tolentino political clan, ang lady governor ay tema ng huntahan dahil sa paglitaw ng pangalan sa usaping tong collection.

Umaalingasaw sa buong Cavite ang umano’y panggagamit sa gobernadora ng isang  alias “Jun Toto” sa tong activities at gambling operations.

Si alias Jun Toto,  operator at financier ng lotteng sa Dasmariñas at ilang bayan sa lalawigan, ay umiikot sa mga iligalista, nagpapakilalang sugo ito ng lady official.

May katotohanan man o wala ang umaalingawngaw na  negatibong ulat na ito, aba’y kailangang kumilos, mag-imbestiga at hindi dapat maging kampante si Gov. Tolentino.

Walang mawawala, bagkus ay magkakaroon ng pagkakataon na malaman ng top lady provincial official ang gawain ni Jun Toto na kung tawagin ay “tinahirang” (matanda) Lotteng lord ng Cavite.

Si Lady Gov., 26, ay young political figure na malaki ang tsansang lumago ang buhay pulitika tulad ng kanyang amang si Mayor Bambol Tolentino at titong si Sen. Francis Tolentino.

Kumbaga, mayabong ang hinaharap sa pulitika pero dahil sa pangangaladkad ni Jun Toto sa kanyang pangalan, baka magka-leche leche, ‘di lang ang political career kundi ang buhay ng gobernadora.