MANILA, Philippines – HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang lahat ng partido na sangkot sa tensyon sa Gitnang Silangan na maging mahinahon habang umaasa ng tigil-putukan para tuldukan ang labanan
Ito’y sa kabila ng ginawang paglilinaw ng Pangulo na hindi mananawagan ang PIlipinas ng ceasefire dahil ang bansa ay hindi kasamang partido sa nagpapatuloy na Middle East conflict.
“It’s not. We are not a party to any of this. Of course, we want the fighting to stop. But the Philippines is not going to call for a ceasefire,” ang inihayag ni Pangulong Marcos.
“The only people who can call for a ceasefire are those who are involved. We are only involved tangentially, because of our people who are there,” aniya pa rin.
Sa kabilang dako, nagpahayag naman ng suporta si Pangulong Marcos para sa mga bansa na inatake sabay sabing “we have made our feelings known that we hope this crisis ends as quickly as possible.”
Winika pa rin nito na nakikipag-ugnayan na ang gobyerno ng PIlipinas para sa kaligatsan ng mga mamamayang Filipino sa ibang bansa.
“But let me say this: if it will help, let’s hope for a ceasefire. We ask all parties to show restraint and bring this to a close as quickly as possible,” aniya pa rin.
Samantala, kamakailan ay sinabi ng Malakanyang na walang nakikitang direktang banta sa Pilipinas sa gitna ng tumitinding tensyon sa Middle East.
Tinanong kasi si Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro kung may nakuhang impormasyon ang mga awtoridad na bantang pag-atake ng Iran sa mga base militar ng Amerika, at kung may epekto ito sa bansa na may mga Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA sites.
Batay aniya a pahayag ng National Security Council, walang American military bases sa Pilipinas.
Anya, ang mga pasilidad sa ilalim ng EDCA ay nananatiling pag-aari at kontrolado ng Armed Forces of the Philippines.
Dagdag pa ng NSC, patuloy na mino-monitor ng pamahalaan ang mga kaganapan sa Middle East at sa ngayon ay nananatiling naka.pokus lamang sa naturang rehiyon ang tensyon. KRIS JOSE