Home NATIONWIDE Special voter registration sa mga kababaihan idiraos ng Comelec

Special voter registration sa mga kababaihan idiraos ng Comelec

151
0

MANILA, Philippines – Bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Women’s Month, ang Commission on Elections (Comelec) ay maglulunsad ng Special Register Anywhere Program (SRAP) para sa mga kababaihan sa headquarters nito sa Intramuros, Maynila sa Marso 9, araw ng Lunes.

Sa abiso nitong Martes, Marso 3, sinabi ng Comelec na ang mga kababaihan ay maaaring magparehistro sa Chairman’s Hall ng Palacio del Gobernador sa Intramuros, Maynila mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

Ayon sa Comelec, ang mga aplikasyon na maaaring tanggapin ng Comelec ay mga sumusunod:

– new registration para sa mga bagong botante

– paglilipat ng registration sa parehong lungsod/distrito/minisipalidad

-paglilipat ng registration mula s a ibang lungsod/distrito/munisipalidad

-Office for Overseas Voting Post sa local transfer sa ibang lungsod/distrito/munisipalidad

-pagwawasto ng entries o pagpapalit ng status

-reactivation

Tatanggapin ng Comelec ang government-issued ID habang ang cedula, barangay ID o certificate, company ID o police clearance ay kikilalanin din.

Sinimulan ang voter registration sa bansa para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections noong Oktubre 20, 2025 at tatakbo hanggang Mayo 18, 2026 mula Lunes hanggang Sabado kabilang ang holidays simula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon sa local Comelec offices.

Isasagawa ang botohan sa Nobyembre 2, 2026 matapos ang pagpapaliban noong Disyembre 2025. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here