Home NATIONWIDE Lahat ng Senate bets nais padaluhin ng Comelec sa election debates

Lahat ng Senate bets nais padaluhin ng Comelec sa election debates

MANILA, Philippines – Handang maglabas ng resolusyon ang Commision on Elections Comelec) na nag-uudyok sa mga senatorial candidate na dumalo sa mga debate na inorganisa ng mga media organization at iba pang grupo para matiyak ang pantay na exposure para sa 66 kandidato.

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, hindi sila ang magpapadebate kundi makikialam lamang upang masiguro na ito ay patas at makatarungan para sa lahat.

“Willing kami na mag-isyu ng kahit naa nong resolusyon masigurado lang na pantay-pantay ang oportunidad para sa mga kandidato anuman ang partido o walang partido– basta dapat mayroong equal opportunity a makipadebate,” sabi ni Garcia.

Paalala lamang ng Comelec na dapat sumunod ang mga kandidato kapag nag-isyu ang komisyon ng guidelines dahil may karampatang parusang ilalagay sa hindi pagsunod sa kanilang patakaran.

Hinimok ni Garcia ang media outfits na siguruhin na ang mga kandidato ay lalahok kung plano nilang magsagawa o mag-organisa ng debate para sa senatorial bets para sa 2025 elections.

Noong 2022, nanawagan si Garcia sa Kongreso na magpasa ng batas na nag-aatas sa mga kandidato sa pagkapangulo na dumalo sa mga debate tuwing halalan na idinagdag na dapat magakroon ng mga parusa sa mga debate skippers. Jocelyn Tabangcura-Domenden