Home NATIONWIDE SC: Kailangan magbayad pa rin ng buwis kahit abswelto sa criminal tax...

SC: Kailangan magbayad pa rin ng buwis kahit abswelto sa criminal tax case

MANILA, Philippines -Muling nagpaalala ang Korte Suprema na ang pag-abswelto sa isang criminal tax case ay hindi nangangahulugang hindi na kailangang magbayad ang isang taxpayer ng buwis.

Ang obligasyong magbayad ng buwis ay nanggagaling sa batas at hindi dahil sa krimeng nagawa.

Sa desisyon na isinulat ni Associate Justice Mario V. Lopez, isinantabi ng Second Division ang mga kasong kriminal laban sa E & D Parts and Supply, Inc. at treasurer nito na si Margaret Uy hinggil sa hindi paghain ng income tax return at hindi pagbabayad ng income at value-added tax.

Bagama’t sinabi ng Korte na may obligasyon pa ring magbayad ng buwis ang isang taxpayer sa kabila ng kanyang pagkakawalang-sala, hindi pinagbayad ang kumpanya dahil walang bisa ang tax assessment nito. TERESA TAVARES