Home ENTERTAINMENT John, sisibakin na sa BQ?

John, sisibakin na sa BQ?

Manila, Philippines- Nakatakdang mamaalam ang character ni John Estrada sa top rating serye na “Batang Quiapo” ni Coco Martin.

Ito ay ayon sa nakausap naming ABS-CBN insider.

Ayon pa sa source ay may ilang taping days na lang daw si John at papatayin na ang ginampanang papel ng aktor, huh!

May kinalaman marahil sa kotrobersiya ang pagkaka-involve ni John sa batang aktres na si Barbie Imperial, kung kaya magbababu na sa ‘FPJ’s Batang Quiapo’ ang magaling na aktor, huh!

Lumikha kasi ng malaking isyu ang tsikang pagiging malapit ni John sa co-star niyang si Barbie kung kaya pati ang papel niya bilang Rigor sa hit series ay wawakasan na.

Ang nasabing kontrobersya ay hindi lamang nakaapekto sa image ni John kundi nagdulot din umano ng negative effects sa reputasyon ng palabas, lalo na sa mga kabataang manonood at sa mga magulang ng mga ito, huh!

Kumbaga, hindi naging maganda ang dulot sa mga kabataang masugid na tagasubaybay ng palabas, huh!

Kahit na itinanggi ni John ang naturang isyu sa kanila ni Barbie, still, hindi raw maalis yun sa mga tagasubaybay ng “Batang Quiapo” na sa tuwing lumalabas ang aktor ay naaalala nila ang involvement ng aktor sa young aktres, huh!

Hangga’t napapanood daw si John at Barbie sa serye ay hindi maiwasang mapag-usapan ang kanilang pagiging malapit sa isa’t isa na hanggang ngayon ay paksa ng online tsismis at haka-haka, na nagbigay ng negatibong impresyon sa publiko kay John sa likod ng kamera, huh! Jimi Escala