MANILA, Philippines – Arestado ang isang lalaking pasahero na may dalang pinaghihinalaang marijuana at drug paraphernalia habang papasok ng Passenger Terminal Building ng Matnog Port.
Ayon sa Philippine Ports Authority (PPA), nadiskubre ang isang tube sa loob ng bag ng pasahero na may laman na pinaghihinalaang marijuana at drug paraphernalia.
Bago nito, nagsagawa ng routine baggage screening ang mga tauhan ng pantalan sa mga pasahero bago sila payagang sumakay ng barko alas 5:40 ng hapon.
Agad na nakipag-ugnayan ang Port Police Matnog sa Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA na nagsagawa ng beripikasyon at pagtatanong sa suspek.
Sa ngayon, patuloy pa rin ang imbestigasyon at pagproseso ng nakuhang ebidensya mula sa suspek. Jocelyn Tabangcura-Domenden