Home HOME BANNER STORY Lakas-trip na trayk drayber, sinampolan ng LTO

Lakas-trip na trayk drayber, sinampolan ng LTO

247
0

MANILA, Philippines – Isang viral dashcam video ang nagpapakita ng isang tricycle driver na nag-counterflow, isang paglabag sa trapiko na naglalagay sa panganib sa mga gumagamit ng kalsada at nagiging sagabal sa daloy ng trapiko.

Makikitang tila nang-aasar pa ang driver sa nakasalubong na motorista na nag-record ng insidente.

Agad namang naglabas ang Land Transportation Office (LTO), sa pamumuno ni Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, ng show cause order laban sa may-ari at driver ng tricycle.

Inatasan silang humarap sa pagdinig ng LTO Intelligence and Investigation Division sa Enero 22, 2026, 10:00 a.m., at magsumite ng verified explanation upang maiwasan ang mga administratibong kaso tulad ng reckless driving, obstruction of traffic, driving against traffic, kawalan ng lisensya, at hindi pagpaparehistro ng sasakyan.

Kailangan din nilang ipaliwanag kung bakit hindi dapat ituring na improper person to operate a motor vehicle ang driver.

Sususpindihin ang lisensya ng driver ng 90 araw at ilalagay sa alarm status ang tricycle habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Kung hindi sila dadalo sa pagdinig o magsumite ng verified explanation, desisyonan ang kaso batay sa ebidensyang hawak ng LTO.

β€œAng paggawa ng counterflow at pag-uugali na walang disiplina at respeto sa kalsada ay hindi lamang labag sa batas kundi pati na rin isang pagbabalewala sa kaligtasan ng lahat. Hindi tayo papayag na magkaroon ng mga driver na itinuturing na biro ang mga batas trapiko at nang-aasar pa sa ibang mga gumagamit ng kalsada. Ang LTO ay determinadong pigilan ang ganitong uri ng pag-uugali – bawat isa sa ating kalsada ay may karapatan sa ligtas at maayos na daanan,” diin ni Asec Lacanilao. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here