Home METRO Lalaki himas-rehas sa panghahalay sa menor-de-edad na kapitbahay

Lalaki himas-rehas sa panghahalay sa menor-de-edad na kapitbahay

ILAGAN CITY Isabela- Himas-rehas ang lalaking umano’y gumahasa sa kapitbahay na menor-de-edad sa City of Ilagan, Isabela.

Sa direktiba at kautusan ni PCol. Lee Allen B. Bauding, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office o IPPO ay agad na naaresto ang akusado na kinilalang si Alyas “Cris,” 38-anyos, may asawa, residente ng San Rodrigo, Ilagan City, Isabela matapos isilbi ang mandamiento de aresto laban sakanya.

Ang akusado ay itinuturing na Number 1 most wanted person sa City Level ng naturang lungsod at posibleng habambuhay na pagkabilanggo ang kahaharapin nito.

Napag-alaman na lango umano sa nakalalasing na inumin ang akusado nang maganap ang insidente.

Pansamantalang nasa kustodiya ng pulisya ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon. Rey Velasco