Home ENTERTAINMENT Sen. Alan, todo-suporta sa lalaking inapi; Kuya Boy, may pahayag!

Sen. Alan, todo-suporta sa lalaking inapi; Kuya Boy, may pahayag!

Manila, Philippines- “There are many ways to get justice…”

Ito ang mga salitang binitiwan ni Senador Alan Peter Cayetano habang nagbibigay ng kanyang huling payo kay Ken sa segment na “Payong Kapatid” ng episode ng ‘CIA with BA.’

Humingi ng tulong si Ken tungkol sa kanyang dating amo na nanakit sa kanyang anak.

Noong Pebrero, si Ken at ang kanyang asawa ay naging stay-in workers at personal na nasaksihan ang pananakit ng kanilang amo sa kanilang anak dahil lamang ayaw nitong pahawakan ang kanilang alagang aso.

Sa kabila ng pang-aabuso, tiniis ni Ken ang sitwasyon dahil desperado sila at kailangan ng pera.

Noong Abril, nang magkasakit ang asawa ni Ken, nagkaroon sila ng dahilan upang umalis sa trabaho. Subalit matapos nilang umalis, nagsimula ang kanilang amo na magpakalat ng maling balita, kabilang ang paratang na nagnakaw sila ng pera.

Sinabi ni Sen. Pia na may karapatan si Ken na lumaban. Dahil emosyonal pa si Ken, pinayuhan din siya na huwag nang bumalik sa dating trabaho at maghanap ng ibang trabaho, kung saan maaari ding magbigay ng tulong ang programa.

Suportado naman ni Kuya Boy Abunda ang payo nina Sen. Alan at Pia.

Inisa-isa naman ni Kuya Alan ang mga hakbang na maaaring gawin ni Ken: “You can file a criminal case for child abuse sa fiscal’s office or pwedeng complain sa pulis tapos dadalhin sa fiscal’s office. ‘Di na kailangang dumaan ng barangay ‘yan, more than one year ‘yung penalty niyan.

“Secondly, kung sapat ang katibayan mo, lalo kung may witnesses o screenshots ka na siniraan kayo, whether ‘yan ay defamation o libel, pwede yan.

“Pangatlo, kailangan ko pa ‘to pa-check ‘pag nag-usap kayo nung abogado, pero kung covered kayo nung minimum wage law, kahit pumayag or sinabing hanggang 400 lang, pwede maghabol kasi ‘yung empleyado sa backwages niya kung dapat binayaran ng tama.”

“Kailangan taktikal din tayo. Kailangan hindi tayo nagpapadala nang padalos-dalos, ‘yung mabilis, kasi ang daming considerations kaya importante talaga na pinag-iisipan nang mabuti,” pagtatapos ni Boy. JP Ignacio