Home NATIONWIDE Pinsala mula sa pagputok ng Bulkang Kanlaon sinuri ng PAF

Pinsala mula sa pagputok ng Bulkang Kanlaon sinuri ng PAF

MANILA, Philippines- Inihayag ng Philippine Air Force (PAF) na idineploy nito ang 205th Tactical Helicopter Wing nito upang makatulong sa gumugulong na rapid damage assessment and needs analysis (RDANA) kasunod ng pagputok ng Mount Kanlaon sa Negros Island nitong Lunes ng gabi.

Sinabi ni PAF spokesperson Col. Ma. Consuelo Castillo nitong Martes na agad na itinalaga ang air assets ng unit upang tulungan ang Department of Social Welfare and Development sa Central Visayas at ang Office of Civil Defense sa Western Visayas sa pagsasagawa ng kanilang RDANA flight sa parehong araw.

“The RDANA mission, utilizing one Bell 412 and one UH-1H helicopter, assessed the situation in the affected areas of Moises Padilla, La Carlota, La Castellana, Bago City, and Canlaon City in Negros Occidental,” dagdag ng opisyal.

Binigyang-daan ng operasyon na makakuha ang pamahalaan ng “essential information and visuals” at upang matukoy ang pinsala ng pagputok ng bulkan at pangangailangan ng mga komunidad.

Bukod sa kanilang 205th Tactical Helicopter Wing, sinabi ni Castillo na inilagay ng PAF ang disaster response team units nito, fixed-wing aircraft, at rotary-wing helicopters sa high alert.

“These assets stand ready to provide critical support, including medical evacuation and the transport of relief supplies, as the situation unfolds,” patuloy ng opisyal. RNT/SA