Home METRO Lalaki nagbalak magnakaw ng kable; nakuryente, dedo

Lalaki nagbalak magnakaw ng kable; nakuryente, dedo

232
0

MANILA, Philippines – Patay ang 39-anyos na lalaki matapos makuryente habang umano’y nagnanakaw ng electrical cables sa Barangay San Isidro, Parañaque City, madaling araw ng Linggo.

Ayon kay barangay desk officer Ryan Fernandez, may tumawag na nagsabing may sumabog malapit sa Lopez Footbridge bandang 1:50 a.m., at nakita nila ang biktima na nasusunog sa tuktok ng poste. Ini-retrieve ng Meralco ang katawan ng biktima.

Ayon sa paunang imbestigasyon, habang pinuputol ng lalaki ang kable ay nakuryente siya, na nagdulot ng power outage sa ilang bahay. May record na rin ang biktima sa barangay tungkol sa nakaraang nakawan.

“Mayroon siyang mga record, mga blotter na ano siya sa nakawan,” sabi ni Fernandez.

Nagpaalala ang Meralco na bawal at delikado ang pagnanakaw o pagbili ng kable ng kuryente.

“Bukod sa paglabag sa batas, napakalaki ng panganib ng pagnanakaw ng kable dahil maaari itong magresulta sa matinding pagkakakuryente, seryosong pinsala, o kamatayan,” ani Joe Zaldarriaga, Meralco VP. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here