Home METRO P4.8M marijuana nakumpiska sa Benguet

P4.8M marijuana nakumpiska sa Benguet

166
0

BENGUET, Philippines – Nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang halos P4.8 milyon halaga ng tuyong marijuana leaves sa isang buy-bust operation sa Barangay Sagubo, Kapangan, Benguet noong Sabado, Pebrero 14.

Aminado ang PDEA na nakatakas ang dalawang suspek matapos nilang malaman na anti-drug operatives ang kausap. Iniimbestigahan ng PDEA-Cordillera, PDEA Baguio/Benguet, at Kapangan PNP ang mga suspek.

Iniwan ng mga suspek ang 40 tubular packages na may bigat na humigit-kumulang 40 kilo. Sila ay haharap sa kaso sa ilalim ng Section 5, Article II ng Republic Act 9165 o “The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.” RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here