Home METRO Lalaki sa Sulu, tiklo sa P3M shabu

Lalaki sa Sulu, tiklo sa P3M shabu

MANILA, Philippines – Arestado ang isang lalaki sa ikinasang buy-bust operation sa Sulu.

Nagresulta ito sa pagkakakumpiska ng mahigit P3.4 milyong halaga ng shabu.

Sa ulat ng pulisya nitong Martes, Pebrero 7, naaresto ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (PDEA RO BARMM) at Sulu police ang suspek na si Alex Hussin sa Barangay Poblacion, Maimbung noong Pebrero 4.

Ayon sa PDEA RO BARMM, napatay naman ang kasama ni Hussin na si Aldun Hussin, na sinubukang “evade arrest and forcefully snatch a service firearm” ng isang pulis.

Matagal nang binabantayan ng mga awtoridad ang dalawang suspek.

Nasa kustodiya na ng Indanan Municipal Police Station sa Hussin. RNT/JGC

Previous articlePrangkisa ng SMNI pinababawi ng solon
Next articlePanukalang magpapalakas sa parent-teacher community associations, pasado na sa Kamara