Home METRO Lalaki todas sa saksak sa Maynila

Lalaki todas sa saksak sa Maynila

MANILA, Philippines – HINIHINALANG onsehan sa droga ang isa sa anggulong binubusisi ng mga awtoridad, makaraang saksakin sa dibdib ng isang hindi pa nakikilalang salarin ang isang lalaki sa Plaza Moriones at N. Zamora Street, Tondo, Manila, Sabado ng gabi, Disyembre 23.

Namatay habang inoobserbahan sa Mary Johnston Medical Center ang biktimang si alyas “Igme Aguilar” nasa 40 anyos, may tattoo sa dibdib.

Samantala, ayon sa saksi na isang E- Trike driver na isang puting T- Shirt ang suot ng suspek, maong na pantalon at naka bullcap na puti.

Base sa ulat ni Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District- Homicide Section, bandang 10:15 ng gabi nang maganap ang krimen sa nasabing lugar.

Lumitaw sa imbestigasyon ng pulisya, nakaupo umano ang biktima nang lumapit ang isang lalaki.

Nakita pa na nag-uusap ang dalawa, hanggang sa magkaroon ng pagtatalo. Dito na nagbunot ng patalim ang suspek saka tinusok sa dibdib ang biktima.

Mabilis na isinugod sa naturang ospital at dakong 2:15 ng madaling araw, nitong Linggo nang bawian ng buhay ang biktima. Rene Crisostomo

Previous articleSUV bumangga sa bakod, 4 indian national sugatan
Next articlePanibagong batch ng PDLs palalayain – BuCor