Home METRO Lalaki utas sa gulpi ng ex ng kasintahan

Lalaki utas sa gulpi ng ex ng kasintahan

259
0

LAGUNA, Philippines – Patay na ang isang lalaki matapos suntukin at sipa-sipain ng kanyang girlfriend’s ex-boyfriend sa Calamba, Laguna.

Ayon sa CCTV footage, noong Enero 9, makikita ang pagpasok ng suspek sa kwarto at paulit-ulit na hinampas sa ulo ang biktimang kinilalang si James Deus Ticzon, na hindi makalaban.

Sinubukan ring pigilan ni Leana Marie Perez, ang kasintahan ni Ticzon, ang pananakit ngunit nabigo.

Dinala si Ticzon sa ospital at nanatiling nakakonfine ng tatlong araw bago pumanaw noong Enero 14.

Inihayag ng pamilya ng biktima na naghahain sila ng murder case laban sa suspek, na nananatiling nasa ilalim ng kasalukuyang imbestigasyon.

Ayon kay Perez, dapat panagutin ng suspek ang ginawa niya dahil sa pagkawala ng buhay ng inosenteng biktima. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here