Home NATIONWIDE NUP maghahain ng mga kaso sa mga paratang ni Barzaga

NUP maghahain ng mga kaso sa mga paratang ni Barzaga

237
0

MANILA, Philippines – Pinahayag ni House Deputy Speaker Ronaldo Puno na maaaring maghain ng kaso laban kay Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga ang mga miyembro ng National Unity Party (NUP) sa susunod na linggo, matapos umano silang madamay sa paratang ng lawmaker na tumanggap sila ng “suhol” mula sa isang negosyante.

Aniya, may nakatakdang pulong ng NUP sa Lunes kung saan tinatayang 40 miyembro ang dadalo at posibleng lahat ay magsasampa ng kaso.

Bukod sa mga legal na hakbang, plano rin ng partido na i-expel si Barzaga sa Kongreso, dahil sa umano’y “distraction” at paglabag sa mabuting asal bilang mambabatas.

Noong Disyembre 2025, ipinataw ng House of Representatives ang 60-araw na suspensiyon kay Barzaga dahil sa “disorderly behavior.”

Dagdag pa ni Puno, ihihain din niya ang panukala na i-dissolve ang Dasmariñas chapter ng NUP at alisin ang lahat ng miyembro nito mula sa partido. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here