Home NATIONWIDE X tinutukan ng DICT sa AI deepfake ‘abuse’

X tinutukan ng DICT sa AI deepfake ‘abuse’

364
0

MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Department of Information and Communications Technology (DICT) noong Enero 16 na ang X, platform owner ng Grok, ay opisyal nang nakipag-ugnayan sa pamahalaan at nagmungkahi ng corrective measures laban sa umano’y paggamit ng AI para sa deepfake abuse laban sa kababaihan at mga bata.

Ayon sa DICT, malinaw ang gobyerno na hindi sapat ang verbal assurances lamang; hinihingi nito ang konkretong hakbang at ipatutupad na safeguards upang hindi magamit ang AI sa pang-aabuso, eksploitasyon, o pinsala.

Ang pakikipag-ugnayan sa X ay kasabay ng pagsubaybay ng DICT sa mga global na aksyon laban sa Grok, matapos lumabas na umano’y paggamit ng platform sa paggawa ng non-consensual, sexually explicit, at manipulated images, kasama ang deepfakes ng kababaihan at menor de edad.

Ipinabatid ng DICT na nakikipagkoordina ito sa NTC, Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC), at iba pang ahensya upang suriin ang posibleng regulasyon alinsunod sa Cybercrime Prevention Act (RA 10175), partikular sa content-related offenses.

Aniya, ang diskusyon sa X ay nakabatay sa patakaran ng gobyerno na ang emerging technologies ay hindi dapat magdulot ng pinsala, lalo na sa mga marurupok na sektor. Patuloy na susuriin ng DICT at mga kaugnay na ahensya ang angkop na hakbang upang matiyak ang proteksyon ng kababaihan at mga bata sa digital na kapaligiran. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here