Home NATIONWIDE Lalaking Japanese na ikinandadong nakahubad sa balkonahe, patay sa ginaw

Lalaking Japanese na ikinandadong nakahubad sa balkonahe, patay sa ginaw

JAPAN – Inaresto ang isang babaeng Japanese matapos umanong ikandado ang partner nito habang nakahubad sa kanilang balkonahe, dahilan para mamatay ito dahil sa ginaw.

Inaresto ang 54-anyos na babae sa reklamong assault at lethal confinement, sinabi ng mga awtoridad sa Nagasaki region ng Japan.

Noong Pebrero 2022, inutusan umano ng babae ang biktima na lumabas sa balkonahe habang nakahubad, saka ikinandado ang pinto dahilan para maiwan ito sa labas.

Agad na sumugod ang mga awtoridad sa lugar matapos ang tawag na natanggap saka naabutan ang 49-anyos na biktima na malapit nang mamatay.

Ayon sa local official na si Masafumi Tanigawa, ang biktima ay nasawi dahil sa hypothermia matapos na bumaba sa 3.7 Celsius ang temperatura nang gabing iyon.

Nauna nang inatake ng babaeng suspek ang kanyang asawa gamit ang kutsilyo.

Itinanggi naman ng babae ang reklamo at sinabing wala siyang ginawang anuman sa kanyang asawa. RNT/JGC