MANILA, Philippines – Kasabay ng pagtaas ng temperatura lalo na sa Metro Manila, siniguro ng pamunuan ng Metro Rail Transit 3 (MRT-3) sa mga pasahero na nasa maayos na kondisyon ang air-conditioning units ng mga tren at malabong magloko o masira.
“Ito pong mga bagon natin, nung nag-rehabilitate si Sumitomo, lahat po ng unit pinalitan kaya kumbaga po nakaka-sigurado tayong nasa bagong kundisyon yan. Siyempre merong regular maintenance yan,” ayon kay MRT-3 General Manager Oscar Bongon.
Idinagdag niya, regular umanong binubusisi ang mga unit kung may mga pasaherong magrereklamo tungkol sa temperatura ng bagon. RNT/JGC