RIZAL, Philippines – Isang hindi pa nakikilalang lalaki ang natagpuang patay sa gilid ng kalsada sa Sitio Aduas, Barangay San Jose, Antipolo City noong Linggo ng umaga, Enero 11.
Ayon sa Antipolo City Component Police Station (CCPS), isang barangay personnel ang unang nakakita sa bangkay at agad itong ini-report sa Police Community Precinct 3 (PCP3).
Nang dumating ang mga pulis, nakita ang biktima na nakaposas ang mga kamay at may tama ng bala sa ulo at katawan.
Suot niya ang pulang T-shirt at asul at rosas na jersey shorts.
Inilarawan siyang payat at may tinatayang 5’2” ang taas.
Sinabi ng pulisya na ang lugar kung saan natagpuan ang biktima ay liblib at malayo sa mga kabahayan.
Patuloy ang follow-up investigation, kabilang ang paghahanap ng mga posibleng saksi at CCTV footage, upang matukoy ang pagkakakilanlan ng biktima at ang detalye ng insidente. RNT/MND