Home METRO Lalaking namaril ng kapwa estudyante; sarili, dinali din

Lalaking namaril ng kapwa estudyante; sarili, dinali din

239
0

PAMPANGA, Philippines — Nasa kritikal na kondisyon ang isang 15-anyos na babaeng estudyante matapos siyang barilin sa leeg ng lalaking estudyante sa loob ng kanilang silid-aralan sa Barangay Rizal, Santa Rosa, Nueva Ecija, bandang 10:45 AM nitong Huwebes, Agosto 7, 2025.

Ang suspek na kinilala sa alyas na Leo, residente ng Barangay Santo Rosario, ay hindi umano bigla na lamang pumasok sa silid-aralan ng biktima.

Ayon sa mga saksi na bigla itong bumunot ng cal.22 na baril, mula sa kanyang baywang at binaril ang biktima na si alyas Lea, bago itinutok ang baril sa sarili.

Parehong isinugod sa pinakamalapit na ospital ang dalawa para sa agarang paggamot.

Wala pang iniulat sa kanilang kasalukuyang kondisyonsa ngayon.

Iniimbestigahan pa rin ang motibo sa likod ng insidente at inaalam na rin ng pulisya kung paano nakuha ng suspek ang baril na ginamit sa pamamaril. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here