Home METRO Lalaking nanghingi ng balato, binaril

Lalaking nanghingi ng balato, binaril

1
0

CEBU – Sugatan ang isang 33-anyos na lalaki matapos umano siyang barilin ng kanyang kaibigan dahil sa pagtatalo sa kinita mula sa online game sa Cebu City noong Linggo, Hulyo 19, 2026.

Kinilala ng mga awtoridad ang biktima bilang alyas “Cris” at ang suspek bilang alyas “Roma,” 28. Pareho silang residente ng Barangay Inayawan.

Lumabas sa imbestigasyon na paulit-ulit umanong humihingi ang biktima ng parte sa kinikita ng suspek sa online game. Noong araw ng insidente, nanalo ang suspek ng P500 at humingi umano ang biktima ng P50.

Tumanggi ang suspek, dahilan upang magkaroon sila ng komprontasyon at magsuntukan.

Dahil sa galit, bumunot umano ng baril ang suspek at binaril sa braso ang biktima.

Naaresto ang suspek at nahaharap sa kasong frustrated homicide. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here