Home METRO Lalaking nanghiram ng tapang sa alak swak sa selda

Lalaking nanghiram ng tapang sa alak swak sa selda

277
0

MANILA, Philippines – Swak sa selda ang isang lalaking naghiram ng tapang sa alak matapos itong magpaputok ng baril at pagbantaan ang isang binatilyo.

Kasong grave threats at paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Law) ang isasampa laban sa 40-anyos na suspek, residente ng Brgy. Gen T De Leon.

Lumabas sa imbestigasyon na nagmagandang loob lamang umano ang 14-anyos na binatilyong biktima na nag-alok na siya na ang bibili ng alak para sa suspek dakong alas-2:00 ng madaling araw sa Brgy., Gen T De Leon.

Sa halip na magpasalamat, nagalit umano ang suspek at bigla na lamang naglabas ng baril sabay kinalabit nang apat na beses ang gatilyo sa harap ng biktima subalit, hindi pumutok.

Sa takot ng biktima, nagtatakbo ito na umalis sa lugar habang umuwi naman ng bahay ang suspek saka muling kinalabit ang gatilyo ng baril at doon ito pumutok.

Nang sabihin ng biktima sa kanyang mga kaanak ang insidente, agad silang humingi ng tulong sa mga tauhan ng Gen T De Leon Police Sub-Station 2 na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

Nakumpiska sa kanya ang isang hindi lisensyadong kalibre.38 revolver na kargado ng isang bala habang hindi na narekober ang basyo ng bala. Merly Duero

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here