Home NATIONWIDE Modification ng Andas sa Traslacion 2025, patuloy na pinauunlad

Modification ng Andas sa Traslacion 2025, patuloy na pinauunlad

264
0

MANILA, Philippines – Patuloy na pinauunlad ng pamunuan ng Minor Basilica ng Quiapo ang Andas ng Hesus Nazareno para sa Traslacion 2026.

Ayon kay Rev. Fr. Robert Arellano at Rev. Fr. Jade Licuana, maraming natuwa sa pagpapaunlad sa Andas ng NAZARENO ngayong taon kaya naman mas pinagbubuti pa nila ito para sa Traslacion 2026.

Aniya, kung noon ay dalawa lamang ang gulong ng andas, sa Enero ay magiging apat na ang gulong nito.

May manibela na rin ito hindi tulad dati na may nagtitimon.

Patuloy ding pinauunlad ang ilaw para maiwasan ang moist sa salamin ng andas.

Dahil sa pagpapaunlad at modification ng andas, sinabi ni Fr. Arellano na kanilang pinagtutulungan kung papaano mapapabilis at magiging maayos at ligtas ang pangangasiwa sa prusisyon.

Pero binigyang-diin din ni Fr. Arellano na kahit abutin ng matagal ang prusisyon basta mairaos ng ligtas at maayos ang Traslacion na magsisimula pa rin sa Quirino Grandstand pabalik ng Simbahan ng Quiapo.

Sa tanong naman kung may pagpapaunlad o modification din sa ‘lubid’ na kadalasan o taon-taong napuputol dahil sa pagsalya, sinabi ni Fr. Arellano na wala na talagang magagawa dahil taon-taon naman talaga itong napuputol.

Paalala pa ng Simbahan ng Quiapo, ang Kapistahan ng NAZARENO ay dapat maging pagdiriwang hindi pagpapakasakit o pagpipighati.

“Dalangin po namin at pagsusumikapan na wala sana tayong bibilangin na pumanaw, nasaktan, hinimatay, o anumang aberya.”

“Sana po ang bibilangin ng mga Pamilyang Pilipino… ilan sa kanila ang nakakita ng maayos sa ating Senior sa ating Translacion na may pag-asam na biyaya,” dagdag pa ni Rev.Fr. Arellano at Licuana. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here