Home NATIONWIDE Lalaking problemado tumalon sa tulay, patay

Lalaking problemado tumalon sa tulay, patay

2
0

MANILA, Philippines – Isang lalaki ang hindi nakayanan ang dinadalang problema makaraang tumalon sa isang tulay sa Dasmarinas City, Cavite nitong Miyerkules ng umaga, Hunyo 10.

Ayon sa report, kinilala ang biktima na si alyas Jake, residente ng Brgy Santiago, General Trias Cty, Cavite na idineklarang patay matapos ang pagtalon sa tulay.

Base sa nakasaksi na si alyas Grace, bandang alas-5:30 ng umaga ay nakita niya ang biktima na naglalakad sa Paurungan Bridge sa kahabaan ng Jose Abad Santos Ave. at tila balisa habang may kausap ito sa kanyang cellphone.

Makalipas ang ilang minuto, nang nakarating na sa gitnang bahagi ng tulay ay tumigil ito at yumukong tumingin sa baba na inakala lamang na may tinitingnan ito.

Kalaunan ay tumalon ang biktima sa tulay.

Mabilis namang ipinagbigay-alam ni alyas Grace sa mga kagawad ng Barangay Salawag at agad na rumesponde ang mga tauhan ng Dasmarinas City Disaster Risk Reduction Management Office subalit hindi na naabutang buhay ang ang biktima. MARGIE BAUTISTA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here