Home METRO Lalaking tambay na nag-amok, naghasik ng kaguluhan laglag sa parak

Lalaking tambay na nag-amok, naghasik ng kaguluhan laglag sa parak

12
0

MANILA, Philippines – Tiklo ang 36-anyos na tambay matapos takbuhan ang mga rumuspondeng pulis nang maghasik ng sindak at kaguluhan habang armado ng baril sa Caloocan City, napaulat.

Hindi na nakapalag si alyas “Gabo” nang posasan ng mga tauhan ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili matapos masukol sa maikling habulan sa Grace Park West, Barangay 46 pasado alas-6 ng umaga.

Sa ulat, nagresponde sa lugar ang mga tauhan ni Caloocan police chief P/Col. Joey Goforth nang matanggap ang tawag mula sa Unified 911 Hotline hinggil sa pagwawasiwas umano ng baril ng suspek habang pagala-gala at naghahanap ng makakaaway.

Nang sitahin ng mga pulis, pumalag at nagtatakbong palayo si alyas Gabo hanggang masukol sa maikling habulan at makumpiska ang hawak na hindi lisensiyadong kalibre .38 revolver na kargado ng dalawang bala.

Sinabi ni Col. Goforth na sasampahan nila ng mga kasong Resistance and Disobedience to a Person in Authority, paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at Alarm and Scandal ang suspek na nakapiit ngayon sa kanilang custodial facility. Merly Duero

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here