Home METRO Senior sa Taguig arestado sa kasong attempted homicide

Senior sa Taguig arestado sa kasong attempted homicide

14
0

MANILA, Philippines – Arestado ng Taguig City police ang isang 77-anyos na welder matapos umanong tangkaing saksakin ang isang 44-anyos na lalaki sa Barangay Ususan, Taguig nitong nakaraang Sabado, Hulyo 18.

Ayon sa ulat ng Taguig Police, naganap ang insidente bandang alas-2:50 ng hapon. Kinilala lamang ang suspek sa alyas na “Rodolfo.”

Nabatid na isinasara ng biktima ang tarangkahan ng kanyang bahay nang bigla siyang lapitan ng suspek mula sa likuran.

Bitbit umano ng suspek ang isang 10.5-pulgadang kutsilyo sa kusina at tinangka nitong saksakin ang biktima.

Nagawa namang makaiwas ng 44-anyos na lalaki, ngunit nagtamo siya ng gasgas sa kanang bahagi ng kanyang baywang habang iniiwasan ang pag-atake.

Agad namang namagitan ang mga saksi at napigilan ang suspek. Matapos ang insidente, nagtungo ang biktima sa Sub-Station 4 ng Taguig Police upang iulat ang nangyari.

Mabilis na rumesponde ang mga pulis sa lugar na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek at pagkarekober ng ginamit na kutsilyo sa krimen.

Matapos ang pag-aresto, dinala si alyas Rodolfo sa Station Investigation and Detective Management Section (SIDMS) para sa kaukulang dokumentasyon habang nakatakda namang sampahan ng kasong attempted homicide ang suspek sa Taguig City Prosecutor’s Office.

Pinuri naman ni Southern Police District Director Brig. Gen. Glenn Oliver Cinco ang mga tauhan ng Taguig Police dahil sa kanilang mabilis at maagap na pagtugon sa insidente. James I. Catapusan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here