Home NATIONWIDE Lanao gun runners iimbestigahan kung military personnel – AFP

Lanao gun runners iimbestigahan kung military personnel – AFP

MANILA, Philippines- Sinabi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) nitong Martes na iimbestigahan nito kung ang gun runners na sangkot sa barilan na nagresulta sa pagkasawi sa isang buy-bust operation sa Lanao del Sur ay mga miyembro ng militar.

“Any report naman po that is given to the AFP, we’ll take action on it… Sa AFP, we do not condone these activities especially naka-uniform pa,” pahayag ni AFP spokesperson Colonel Francel Margareth Padilla sa isang press briefing.

“With this, the proper investigation will be conducted. And if any AFP personnel is found guilty of any of these violations, we will make sure that they will, of course, take the brunt of it,” patuloy ng opisyal.

Sinabi ni Padilla na aalamin din ng AFP kung ang narekober na mga item mula sa operasyon ay pagmamay-ari ng military personnel.

Ayon sa opisyal, makikipag-ugnayan ang AFP sa mga kaukulang ahensya tulad ng Philippine National Police (PNP) hinggil sa usapin.

Noong Hunyo 22, patay ang isang barangay chairperson matapos ang buy-bust operation ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) laban sa gun runners sa Lanao del Sur.

Base sa mga pulis, isa ang barangay chairman sa mga target ng operasyon.

Narekober ang tatlong M16 rifles, isang M14 rifle, dalawang .45 caliber handguns, at marked money sa loob ng sasakyanng suspek.

Ayon sa CIDG, nakatakas ang nasa anim na suspek.

Inilarawan ng team na nagsagawa ng operasyon, ilan sa kanila ang nakasuot ng body cameras, ang gun runners na nakasuot ng military uniforms. RNT/SA