Home NATIONWIDE Law enforcement pinarangalan ng hog sector: Katapangan, pagtataguyod ng mamimili kinilala

Law enforcement pinarangalan ng hog sector: Katapangan, pagtataguyod ng mamimili kinilala

2
0

MANILA, Philippines – Kinilala ng mga Samahan ng Magbababoy ang ilang mga law enforcement agencies sa kanilang mahigpit na pagbabantay at operasyon laban sa pagbebenta ng ‘unsafe meat’ sa merkado.

Nitong Miyerkules ng umaga, Agosto 26, pinangunahan ng sektor ng agrikultura partikular ang Agriculture Sector Alliance of the Philippines Inc.(AGAP) Party-list, Pork Producers Federation of the Philippines, Inc. (PROPORK) at Philippine Pork Council Alliance, Inc. o Philippine Pork Council na bigyang parangal ang PNP Marikina sa pamumuno ni PCol. Jenny Teczon na siyang Chief of Police dahil sa matagumpay nilang pagkumpiska sa tinatayang 13 hanggang 20 tons ng expired frozen meat sa isang warehouse sa Brgy. Tanong ng nasabing lungsod.

Ito ay nagkakahalaga ng P4 na milyon kung saan naaresto naman ang 12 indibidwal.

Sa pulong balitaan, sinabi ni AGAP Rep. Nicanor Briones na ang nasabing mga indibidwal ay sinampahan ng kasong kriminal dahil sa paglabag sa Meat Inspection Code of the Philippines.

Kasama rin sa pinarangalan at kinilala ang National Meat Inspection Service RTOC IV-A at City Veterinary Office ng Lipa matapos na makumpiska naman ang nasa 286 kilograms na frozen pork na illegal na binibenta online.

Nagpahayag naman ng pagpapahalaga ang hog sector, sa mga opisyal at miyembro ng enforcement team ng nasabing ahensya sa kanilang pagbabantay at katapangan sa pagtataguyod ng mga karapatan ng mamimili.

Dagdag pa ni Rep. Briones, ang pagsisikap ng mga law enforcement na masawata ang mga pagbebenta ng ‘unsafe frozen meat’ ay magpoprotekta rin sa local hog industry.

“Local hog raisers are faced with the problem of overimportation. for the past years, the volume of imported pork has increased significant by almost 50%. In 2023, volume on imported pork reached 610 million kilograms; in 2014, 774 million kilograms; and in 2025, we have a record high of 891 million kilograms. This number does not include the volume of smuggled pork which remain unaccounted.”

Umaasa naman si Rep. Briones at iba pang hog sector na tularan ng iba pang law enforcement ang pagsisikap ng Marikina Police upang sa gayon ay matulungan ang mamamayan at ating bansa.

Ayon naman kay PCol.Teczon, ang parangal na kanilang natanggap ay hindi lang para sa kanilang hanay kundi para sa lahat ng tunatangkilik sa mga produktong lokal na dapat nakasunod sa mga polisiya. Jocelyn Tabangcura- Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here