Home NATIONWIDE Poa isasalang na prosecution witness sa susunod na pagdinig

Poa isasalang na prosecution witness sa susunod na pagdinig

1
0

MANILA, Philippines – Isasalang bilang testigo ng prosekusyon sa pagdinig sa susunod na Setyembre 2 si defense lawyer Atty Michael Wesley Poa sa naging kapasidad nito na dating Chief of Staff ng Department of Education (DepEd) ukol naman sa maling paggamit ng P112.5 Million confidential funs ng ahensya.

Maliban kay Poa ay ihaharap din sa susunod na pagdinig si Philippine Statistics Authority (PSA) Assistant National Statistician Marizza Grande na tetestigo PSA verification.

Sinabi ni Presiding Officer Sen. Francis “Chiz” Escudero na dahil kasalukuyang nasa korte si Poa at “more than willing to testify,” ay hindi na kailangan pang magpalabas ng subpoena ng impeachment court.

Ayon kay Escudero, maaaring umakyat sa witness stand si Poa sa Setyembre 1 kung sakaling hindi sumipot ang dalawang opisyal ng militar na nakatakdang tumestigo sa araw na iyon.

Ang dalawang opisyal ng militar ay sina Col. Manaros Boransing II at Col. Magtangol Panopio na una nang tumestigo sa isinagawang House Inquiry na ang kanilang military unit ay hindi nakatanggap ng DepEd confidential funds para sa mga aktibidad na Youth Leadership Summits.

Si Poa ang una nang natukoy sa House proceedings na siyang naghanda ng accomplishment report kaugnay sa confidential fund ng DepEd.

Si Borancing ay dapat tetestigo nitong Miyerkules, Agosto 26, subalit humiling ito na ilipat ang kanyang araw ng pagtestigo dahil kinakailangan pa nitong magpaalam sa kanyang superiors, nabatid na si Borancing ay nakatalaga bilang commanding officer bf Task Force Zamboanga.

Pinagbigyan ni Escudero ang hiling ni Borancing kaya sa Setyembre 1 ito tatayong testigo.

Samantala, inalis na ng House prosecution bilang kanilang testigo si retired Maj. Gen. Adonis Bajao.

Inihaharap ng prosekusyon ang mga saksi sa ilalim ng unang artikulo ng impeachment na nag-aakusa kay Duterte ng maling paggamit, malversation, at iregular na liquidation ng ₱612.5 milyong confidential funds ng OVP at DepEd. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here