Home ENTERTAINMENT Lea, nagpaubaya sa Nat’l Artist award!

Lea, nagpaubaya sa Nat’l Artist award!

168
0

Manila, Philippines- Buong kababaang-loob na tumanggi ang Broadway star na si Lea Salonga na igawad sa kanya ang susunod na National Artist Award.

“No, no, no…there are folks far more deserving than me,” saad ni Lea.

Isa na raw rito ang nasirang Hari ng Komedya na si Dolphy.

“We have to consider Dolphy’s body of work,” ani Lea lalung-lalo na raw ang mahalagang kontribusyon nito sa LGBTQIA+ community.

Remarkable ang mga naging papel noon ni Dolpjy bilang transman sa higanteng telon.

“It lends tolerance and acceptance in the gay community, something he never thought was the after effect,” dagdag ng renowned singer.

Maging ang action director na si William Mayo ang nagsiwalat sa vlog interview ni Morly Alinio na noon pa raw nila isinusulong si Dolphy para maging recipient ng nasabing pambansang karangalan.

Kinuwestyon nga raw nito ang opinyon ng iba na hindi karapat-dapat pagkalooban ng award si

Dolphy dahil babaero raw ito.

“Ano naman ang kinalaman nu’n sa award?” halatang inis na sabi ni Mayo.

Maging ang isa sa mga anak ng Comedy King na si Eric Quizon ay nagtataka rin sa ‘di pagkilala sa kanyang ama, gayong sa tuwing magbobotohan ay lagi itong kasama sa listahan.

Sa ngayon, matunog ang pangalan ni Vilma Santos bilang next National Artist awardee.

Nauna nang pinarangalan ang kanyang arch rival na si Nora Aunor sa kategoryang Film and Broadcast Arts. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here