Home HOME BANNER STORY Lebanon-Israel ceasefire pinalawig pa ng tatlong linggo

Lebanon-Israel ceasefire pinalawig pa ng tatlong linggo

111
0

ISRAEL – Pinalawig pa ng tatlong linggo ang umiiral na ceasefire sa pagitan ng Lebanon at Israel, ayon kay US President Donald Trump matapos ang high-level talks sa White House.

Pinangunahan ng Estados Unidos ang pag-uusap kasama ang mga ambassador ng Israel at Lebanon, na nagresulta sa kasunduang pahabain ang tigil-putukan na nakatakda sanang mag-expire ngayong linggo.

Ayon kay Trump, naging maayos ang pulong at umaasa siyang magtutuloy-tuloy ito tungo sa isang pangmatagalang kasunduang pangkapayapaan ngayong taon.

Sa kabila ng ceasefire, may mga naitalang pag-atake pa rin sa southern Lebanon, kung saan patuloy ang presensya ng puwersa ng Israel sa tinatawag nitong buffer zone.

Hindi kabilang sa usapan ang grupong Hezbollah, na kaalyado ng Iran at patuloy na nakikipaglaban sa Israel.

Ipinahayag naman ng Lebanon na itutulak nito sa susunod na negosasyon ang pag-atras ng tropa ng Israel, pagbabalik ng mga detainee, at paglinaw ng hangganan ng dalawang bansa.

Samantala, iginiit ng Israel na dapat pagtuunan ng pansin ang pag-disarma sa Hezbollah, bilang susi sa pangmatagalang kapayapaan sa rehiyon.

Dumalo rin sa pulong ang matataas na opisyal ng US, kabilang si Vice President JD Vance at Secretary of State Marco Rubio. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here