Home HOME BANNER STORY Legal na basehan ng pagkakaaresto kinuwestyon ni Digong

Legal na basehan ng pagkakaaresto kinuwestyon ni Digong

MANILA, Philippines – Kinuwestyon ni dating Pangulong Rodrigo “Digong” Roa Duterte kung anong nilabag niyang batas at anong krimen ang kanyang nagawa at kung bakit siya inaresto ng mga awtoridad sa pangunguna ng Philippine National Police (PNP) makaraang magbalik-Pilipinas siya mula sa ilang araw na pamamalagi sa HongKong.

Sa isang panayam, hayagang kinuwestyon ni Digong Duterte ang legal na basehan kung bakit siya dinala ng mga awtoridad sa Villamore Air Base matapos dumating galing sa Hong Kong nitong Martes ng umaga, Marso 11.

Sa kabilang dako, sinusugan naman ni dating Executive Secretary Salvaor Medialdea ang sinabi ni Digong Duterte na wala itong ideya sa kung ano ang kaso na kinahaharap nito.

“Alam nyo ba na hindi siya na-serve kung anong kaso ang itsa-charge sa kanya. Hindi niya alam. Alam mo ang charges sa kanya, nasa dyaryo na,” aniya pa rin.

Sinabi pa ni Medialdea na hindi rin niya maintindihan kung bakti sumusunod ang mga taga-Pilipinas sa isang entity na hindi na miyembro ang Pilipinas.

Hindi man tinukoy ni Medialdea kung anong entity ito subalit malinaw na ito ay ang (International Criminal Court (ICC).

Para kay Medialdea, kuwestiyonable ang warrant of arrest na inihain laban sa dating Pangulo.

Samantala, pagdating aniya sa trial ay tatawagin naman ni Digong Duterte ang taong umaresto sa kanya.

“May i know thereason, why? have you read the documents or at least have you read the case at that time you made the arrest. So you would be guided to what you should know.” ang sinabi ng dating Pangulo. Kris Jose