Home NATIONWIDE Singil sa kuryente tataas ngayong Marso – Meralco

Singil sa kuryente tataas ngayong Marso – Meralco

MANILA, Philippines – Aasahan ng mga konsyumer ng Meralco ang mas mataas na bayarin sa kuryente ngayong buwan matapos itaas ng Manila Electric Company ang singil nito ng 26 sentimo kada kilowatt-hour (kWh) para sa Marso 2025.

Dahil dito, ang mga tahanang kumokonsumo ng 200 kWh kada buwan ay maaaring madagdagan ng humigit-kumulang P52 sa kanilang buwanang bill.

Ayon sa abiso ng Meralco, ang pagtaas ay dulot ng pagtaas ng gastusin sa kuryente. RNT