Home NATIONWIDE 4 ‘bugaw’ arestado; 100 nasagip

4 ‘bugaw’ arestado; 100 nasagip

MANILA, Philippines – Apat na indibidwal ang inaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa human trafficking at nasagip ang mahigit 100 indibidwal mula sa isang club sa Makati City.

Sanib-puwersa ang NBI-Organized and Transnational Crimes Division (OTCD) with the Makati Social Welfare Development (MWSD), ang NBI-Human Trafficking Division, Inter-Agency Council Against Trafficking, at non-governmental organization nang ikasa ang operasyon.

Ayon sa ahensya, naaresto ang operator ng club pati ang isang indibidwal na tumanggap ng bayad mula sa mga biktima sa entrapment at rescue operation noong Marso 7.

Nang i-assess ng MWSD ang 102 customer care assistant (CCAs) ng club, anim sa mga ito ay boluntaryong nagbigay ng kanilang sinumpaang salaysay sa NBI na kinumpirma ang pagkakaroon ng sexual offers at aktibidad na ibinibigay sa mga kostumer ng club nang may bayad.

Samantala, sinabi ng NBI na ipinrisinta na sa inquest proceedings sa Makati prosecutors sa paglabag ng SEction 4(a) ng Anti-Trafficking in Persons Act of 2003. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)