MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Department of Finance (DOF) na na-hack ang opisyal na Facebook page ng Bureau of the Treasury (BTr).
Ayon sa abiso ng DOF, wala nang access ang BTr sa kanilang account at pinapayuhan ang publiko na huwag pansinin ang anumang post o mensahe mula sa na-kompromisong page. Kasalukuyang inaayos ng ahensya ang sitwasyon.
Nagdulot ng pag-aalala ang paglabas ng mga larawan ng isang hindi kilalang babaeng Asyano sa story feature ng nasabing page.
Para sa opisyal na impormasyon, pinapayuhan ang publiko na bisitahin ang website ng BTr sa www.treasury.gov.ph at iba pang beripikadong government channels. RNT