MANILA, Philippines – Naghahanda na ang leagal team ni Vice President Sara Duterte para sa impeachment trial nito, habang inihahanda rin niya ang legal preparations para sa kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte na naka-detain sa The Hague, Netherlands.
“Okay naman na yung sa impeachment kasi before nangyari yung extraordinary rendition or pagkuha kay pangulo doon sa Pilipinas, nabuo na yung team ng impeachment. So on that point, okay na sila and they are preparing for trial,” ani Duterte.
Aniya, hindi nito maiiwan ang kanyang ama na mag-isa sa Netherlands.
“Ang dito lang kasi sa ICC, hindi pa mabuo yung team kasi we are waiting for papers for other lawyers,” dagdag ni Duterte.
“So ‘yun yung kailangan kong matapos at kailangan kong ma-introduce yung lawyer in charge for PRRD inside and the outside world doon sa mga kapatid ko and sa kay Cielito, para pwede na akong bumalik sa Pilipinas at bumalik na lang dito kapag kailangan.”
Habang nasa abroad ang Bise Presidente, may mga dagdag na pangalan ang nakita sa umano’y recipients ng confidential funds mula sa Department of Education nang siya ang kalihim nito.
“‘Di ba nag-file na sila ng impeachment sa akin and nandiyan na yan sa Senate. They can say what they want to say, and ako din, nag-file na rin si Congressman Pantaleon Alvarez questioning the budget,” aniya.
“I can say what I want to say. It doesn’t have to be na dahil pinupuna ko sila sa ginagawa nila sa ating bayan ay kailangan ko din sagutin ‘yung sinasabi nila.” RNT/JGC