SOUTH KOREA – Umakyat na sa 15 ang bilang ng mga nasawi sa wildfire sa southeastern region ng South Korea.
Sa ulat, mabilis na kumalat ang wildfire sa iba’t ibang lugar dahilan para pwersahang ilikas ang mga residente sa kanilang mga tahanan, maging ang libo-libong inmates mula sa mga piitan na apektado.
Nangako naman si Acting President Han Duck-soo na magpapadala ng mga firefighting helicopter at ground personnel para labanan ang wildfire.
Karamihan sa mga nasawi ay mula sa mga residenteng sumubok na lumikas ngunit inabot ang kanilang mga sasakyan.
Inilagay ng pamahalaan ang mga apektadong lugar bilang special disaster zones. RNT/JGC