Home NATIONWIDE Libreng kurso sa kolehiyo alok ng PUP sa open university program

Libreng kurso sa kolehiyo alok ng PUP sa open university program

224
0

MANILA, Philippines- Pinadali ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) na magkaroon ng college education sa alok ng PUP Open University System na libreng tuition at flexible na oras.

“Kabilang ang PUP Open University System doon sa free tuition na nasa batas natin. Hindi ito yung traditional system na papasok ka araw-araw. Actually meron tayong combination ng synchronous and asynchronous,” pahayag ni Dr. Rudolf Lacerna, executive director ng PUP Open University System.

Nagsimula sa dalawang kurso, pinalawig na ang sistema sa 10 undergraduate programs kung saan pwedeng mag-sign up ang mga aplikante.

Bukod sa mga nagtatrabahong magulang na nais ipagpatuloy o tapusin ang kanilang post-high school education, bukas din ang Open University sa Persons with Disabilities (PWDs), Persons Deprived of Liberty at survivors ng malalang kasakita. Wala ring age limitation.

Ayon kay Lacerna, kailangan lamang makapasa ng mga aplikante sa entrance examination at magsumite ng requirements tulad ng birth certificate, credentials mula sa high school na pinasukan. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here