Home HOME BANNER STORY Libreng tawag ipinatupad ni PBBM sa OFWs, pamilya sa gitna ng tensyon...

Libreng tawag ipinatupad ni PBBM sa OFWs, pamilya sa gitna ng tensyon sa MidEast

173
0

MANILA, Philippines – Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga telecommunications companies na magbigay ng libreng communication services sa mga overseas Filipino workers (OFWs) at pamilya ng mga ito habang nagpapatuloy ang tensyon sa Gitnang Silangan.

Sa isang social media post, sinabi ni Pangulong Marcos na kagyat namang tumugon ang telecommunications firms sa pamamagitan ng pag- activate ng “libreng tawag” para tulungan ang mga filipino na manatiling konektado sa kanilang mga mahal sa buhay sa gitna ng krisis.

Saklaw ng programa ang mga filipino sa Iran, Iraq, Kuwait, Bahrain, Oman, Qatar, United Arab Emirates, at Saudi Arabia, kung saan libo-libong OFWs ang nakabase.

Sinabi pa ng Pangulo na magtatayo siya ng ‘free call stations’ sa ilang piling business centers sa iba’t ibang lugar sa bansa upang maaaring makontak ng mga pamilya ng OFWs na ito ang kanilang kamag-anak sa epektadong rehiyon.

“Through these efforts, we want to ensure that our kababayans will remain connected with their families, offer comfort to one another, and confirm their safety without additional financial burden,” ayon kay Pangulong Marcos.

Ang hakbang na ito ay bahagi ng patuloy na pagmo-monitor ng gobyerno ng Pilipinas sa situwasyon sa Gitnang Silangan kung saan naging komplikado ang pagsisikap na mailikas at mapauwi sa bansa ang mga OFWs dahil sa lumalawak na military operations at limitadong airspace. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here