Home METRO Lider ng political party binaril sa nguso, todas!

Lider ng political party binaril sa nguso, todas!

Bulacan- Dead on arrival sa pagamutan ang 40-anyos na lalaking binaril sa nguso ng hindi nakilalang motorcycle rider sa bayan ng Pandi.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Lorenzo Ofalsa, may-asawa, jobless, residente ng Pandi Residence 3, Brgy. Mapulang Lupa.

Nabatid na ang suspek ay nakasuot ng blue helmet, bonet, blue hoodie jacket, maong shorts, tsinelas at sling bag.

Sa report ng pulisya, nangyari ang insidente bandang alas-8:30 ng gabi nitong Abril 21, sa Phase 4, Pandi Residence 3, Brgy. Mapulang Lupa.

Base sa salaysay ng misis ng biktima, bandang alas-10:50 ng gabi ay binawian na ng buhay ang kanyang mister habang nilalapatan ng paunang lunas sa isang ospital sa kalapit na bayan.

Lumalabas sa report, binaril ng suspek sa mukha ang biktima at mabilis na tumakas sa direksyon patungong Phase 1.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para malaman ang motibo at mahuli ang bumaril sa biktimang sinasabing lider ng isang political party. Dick Mirasol III