Home OPINION LINGGO NG KABATAAN

LINGGO NG KABATAAN

KAUGNAY sa pagdiriwang ng “Linggo ng Kabataan” sa Indang, Cavite, nagsagawa ang Sangguniang Kabataan ng Buna Lejos 1 sa pamumuno ni SK Chairperson Lianne Eugenio at concerned citizens ng Indang na sina Mr. Nelson Mojica at Mr. Jose Joezel Pareño ng sports project na 2 Days Basketball Tournament noong Agosto 3 – 4, 2024 na ginanap sa Barangay Covered Court ng Brgy. Buna Lejos 1 sa Indang, Cavite.

Ang mga sumaling manlalaro ay nasa edad 18 hanggang 30 at bawat team ay may minimum na 8 hanggang maximum na 12 na manlalaro.

Ang 1st Day ay Elimination Round at ang 2nd Day naman ay Semi Finals, Finals at Awarding Ceremony kung saan ang mga nanalo ay nakatanggap na cash prizes na P5,000 sa 2nd Place, P8,000 sa 1st Place at P10,000 sa Champion.

Mayroong 10 basketball team ang lumahok. Sila ay ang Tropang Bata ni Calunsod, Tropang Bestfriend, Tropang Boleros, Tropang Broskie, Tropang Brutlugus, Tropang Gulod, Tropang Jaballers, Tropang Rookies, Tropang San Juan at Tropang Silangan.

Sa unang araw ng laro ay itinanghal na ‘best players’ sina Pepes Olarve ng Bata ni Calunsod na may 36 points, 8 rebounds, 3 assists, 4 steals at 2 blocks; Jade Penales ng Silangan na may 16 points, 5 rebounds, 3 assists, 3 steals at 2 block; Jhed Gerpacio ng Broskie na may 29 points, 6 rebounds, 5 assists at 3 steals; Roy Cuenco ng Boleros na may 12 points, 9 rebounds, 3 assists at 1 steal; Florence Matilla ng Gulod na may 26 points, 11 rebounds, 13 assists, 5 steals at 1 block; Danny Vargas ng Silangan na may 31 points, 7 rebounds, 8 assists at 2 steals.

Sa pangalawa o huling araw ay ang naging best players sa Semi Finals ay sina Michael Andaleon mula sa Boleros na may 16 points, 5 rebounds, 8 assists, at 2 steals; Gusthin Gurrea mula sa Gulod na may 30 points, 14 rebounds, at 3 assists.

Naging best player naman sa “Battle for Third” si Danny Vargas mula sa Silangan na may 31 points, 7 rebounds, 8 assists at 2 steals; habang “Finals Most Valuable Player” si Florence Montilla ng Gulod; sa kabilang banda ay ‘League MVP’ naman at ‘best score’ si Michael Andaleon.

Itinanghal namang “Mythical 5” sina Jhed Gerpacio, Danny Vargas, Michael Andaleon, Florence Montilla at Gusthin Gurrea.

Sa huli ang mga nanalong team ay ang Tropang Silangan Team bilang 2nd Place; Tropang Boleros Team bilang 1st Place at Tropang Gulod Team bilang Champion.

Lubos ang pasasalamat ng mga kabataan at manlalaro kina Mojica at Pareño sa kabutihang-loob ng mga ito na dahilan upang sila ay makapagpalaro at maipamalas ang kanilang husay sa sports na basketball. Tinintingnan pa ng dalawang ito kung maaari rin na makapagsagawa pa ng ganitong palaro sa ibang barangay ng Indang bilang suporta sa mga kabataan.