Home NATIONWIDE Lisensya ng kaskaserong bus driver sa La Union, binawi na

Lisensya ng kaskaserong bus driver sa La Union, binawi na

MANILA, Philippines – Binawi na ang lisensya ng bus driver na nag-viral sa pagiging kaskasero habang bumibiyahe sa La Union, sinabi ng Department of Transportation (DOTr) nitong Miyerkules, Abril 23.

“‘Yung driver na kumaskas sa La Union na nahuli on Facebook, hindi lang po suspended, we are today revoking the license. Tinatanggalan na po natin ng lisensya ‘yung driver,” ayon kay DOTr Secretary Vince Dizon.

Matatandaan na inisyuhan din ng show cause order ang kompanya na pinagtatrabahuhan ng bus driver.

Sa viral video, makikita ang mga pasahero na natatakot na at gusto nang bumaba dahil sa mabilis na pagpapatakbo ng bus. RNT/JGC